SSS Daet Branch hinihintay pa umano ang guidelines para sa calamity loan package

CAMARINES NORTE- Naghihintay pa umano ng guidelines ang Social Security System (SSS) Daet Branch sa pag- avail ng mga miyembro ng calamity loan package.

Kasunod yan ng pagdedeklara sa lalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan Resolution sa ilalim “State of Calamity” dahil sa bagyong Paeng.

Hindi na rin muna nagpaunlak ng panayam ang SSS Daet Branch kasabay ng pangakong ipapaalam na lamang kaagad sa mga miyembro kung mayroon nang guidelines.

Ito rin ang mensahe sa Brigada News FM Daet ni SSS Luzon Bicol Division Senior Communications Analyst Quennie Joy Agsao.

Nitong Miyerkules, November 2 ay ipinalabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proclamation 84 na nagsasailalim sa buong Bicol Region sa State of Calamity gayundin ang tatlo pang rehiyon sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *