Local News

SSS Housing loan penalty condonation hanggang sa katapusan na lang ng buwan

Tatagal na lamang hanggang sa June 30 ang Housing Loan Penalty Condonation program ng Social Security System.

Dahil dito, nagpaalala na ang SSS Region 3 sa mga borrowers na tangkilikin na ang programa para mabawasan ang mga penalty.

Ayon kay Acting Senior Communication Analyst Julie Ann Arellano, noon pang May 25 nagsimula ang programa at ilang araw na lamang mula ngayon ay magtatapos na ito.

Sa mga nais mag-avail ng condonation, kinakailangang makipag-ugnayan ng personal sa Housing and Acquired Management Section ng SSS.

Maliban dito ay maaari ring mag-email sa regional office sa zamoramm@sss.gov.ph o kaya ay tumawag sa (045) 982-3541 para malaman ang mga kinakailangang requirements.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

BNFM Olongapo

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

2 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

2 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

2 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

2 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

2 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

2 hours ago