SSS muling hinabol ang mga hindi sumusunod na employers sa bayan ng Castilla, sa pagpapatuloy ng RACE

Binisita ng mga tauhan ng Social Security System (SSS) Sorsogon Branch ang ilang delingkwenteng employers sa bayan ng Castilla, Sorsogon na nabigong mag-remit ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado habang ipinagpatuloy nito ang operasyon ng Run After Contribution Evaders o RACE.

Ang pagbisita sa pitong establisamiyento ay para paalalahanan ang mga employers sa kanilang obligasyon na bayaran ang kanilang mga dues.

Ayon sa RACE team na pinangunahan ng Branch Head nito na si Rolando Gomez, bilang isang pangkalahatang tuntunin, binibgyan ang mga employers ng 15 araw sa kalendaryo mula sa petsa ng pagbisita ng SSS upang ayusin ang kanilang mga obligasyon.

Ang remittance ng mga kontribusyon sa SSS ng mga employer ay napakahalaga dahil ginagamit ito upang bayaran ang mga benepisyo ng mga miyembro, tulad ng mga benepisyo sa pagkakasakit at maternity.

Hinimok ng SSS ang mga miyembro na maging mapagbantay, suriin ang kanilang rekord at iulat kung ang kanilang mga kontribusyon ay hindi na-update.

Ang Run Against Contribution Evaders ay bahagi ng kampanya ng SSS upang mabigyan ng kaukulang proteksyon ang mga manggagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *