SSS muling maglulunsad ng RACE campaign sa mga delingkwenteng employer

CAMARINES NORTE- Muling maglulunsad ang Social Security System (SSS) ng Run After Contribution Evaders (RACE) ngayong linggo para paalalahanan at utusan ang non-compliant employers na i- settle ang kanilang obligasyon.

Ayon kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo, layon ng RACE campaign na ipunla ang kamalayan at disiplina sa mga employer sa kanilang statutory obligation tulad ng registration of business, reporting ng employees at remittance ng contributions.

Pangungunahan ni Vice President of Luzon Bicol Division Elenita Samblero ang RACE campaign kasama ang iba pang opisyal ng ahensiya.

Noong nakaraang buwan ay naglunsad rin ng RACE ang SSS kung saan anim na establishment  sa Camarines Norte ang binisita at sinilbihan ng order para mag- comply sa Republic Act No 11199 o ang Social Security Act of 2018.

Sa buong Bicol Region ay umabot sa 37 written notices ang inisyu ng SSS sa mga non- compliant employers sa limang sangay nito kabilang na ang Daet 

Karamihan sa violations ay ang non- remittance of contributions at mayroon ding non- reporting ng kanilang mga empleado at isang reklamo mula sa empleado.

Umaabot sa P17. 3 milyon ang kabuuang halaga ng combined contribution delinquency at naipong penalty kung saan apektado ang nasa 370 empleyado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *