SSS nagsagawa ng RACE operation sa 10 establisemento sa Koronadal City

KORONADAL CITY – NAGSAGAWA ng Run After Contribution Evaders o RACE operation ang Social Security System o SSS South Mindanao 2 Division sa lungsod ng Koronadal.

Sa naturang operasyon, binisita ng RACE team sa pamumuno ni SSS South Mindanao II Division Vice President Redentor Viola ang 10 mga establisemento upang paalalahanan ang mga ito ng kanilang responsibilidad partikular ang pag-enroll sa kanilang mga empleyado sa SSS at ang regular na pagbabayad sa premium contribution ng mga ito.

Ilan sa mga binista ng RACE team ang mga coffee shops, pharmacy, restaurants, cakes and pastry business, shopping center, gas station, kindergarten school at advertising shop.

Hinikayat din ni Viola ang mga employers na mag-avail ng Pandemic Relief and Restructuring Program o PRRP upang mabayaran ang kanilang unpaid contribution sa pamamagitan ng installment basis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *