Nanindigan ang Social Security System na may pananagutan sa batas ang mga employer na hindi naghuhulog ng kontribusyon para sa benipisyo ng mga empleyado.
Ito ay kahit pa ang mga negosyong pinatatakbo ng employer ay nalugi ng husto ng dahil sa epekto ng pandemyang dulot ng corona virus disease.
Ayon Kay SSS Olongapo Manager Marilou Santos, bagamat nauunawaan ng opisina ang sitwasyon ng mga naluging employer pero hindi pa rin ito sapat na dahilan para mapabayaan ang obligasyon para sa mga empleyado.
Matatandaan, ang covid-19 na tumama sa maraming tauhan ng kompanya ang pangunahing dahilan ng may-ari ng isang call center sa Zambales kung bakit na-delay ang pasuweldo at hulog sa mga social security agencies.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
