SSS pinalawig hanggang Marso ang compliance sa ACOP

CAMARINES NORTE- Pinalawig ng Social Security System (SSS) ang compliance sa Annual Confirmation of Pensioner (ACOP) hanggang March 31, 2023.

Kaya naman pinaalalahanan ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo ang mga pensyonado, total Disability at Survivor Pensioners gayundin ang kanilang mga dependendant at ang mga pensyonadong naninirahan sa ibang bansa na mag comply para hindi maputol ang pagtanggap ng pension.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Robredo sinabi nito na ang binibigyan talaga sila ng pagkakataon ng ahensiya na makapag comply dahil hindi ito ang unang pagkakataon na pinalawig ang compliance sa ACOP.

Nag- lapse na sana ang palugit noong Oktubre ng nakaraang taon.

Kaugnay nito hinikayat ni Robredo ang mga ito na huwag nang maghintay na maputol ang pension dahil mahirap ang pag reactivate.

Kahit daw kasi pagkalipas ng dalawang buwan mula sa petsa ng compliance ay kadalasang lumalagpas pa ito kaya importanteng magreport bago ang contingency date.

Sa katunayan ay pwede umanong mag report anim na buwan bago ang contingency date para siguradong hindi mapuputol ang pension.

Inanunisyo rin ni Robredo na plano ngayon ng SSS na ang mga regular pensioner kahit anung edad ay mag- comply sa ACOP.

“We still have plan po na yung mga regular pensioners regardless of age, kasi di ba less than 85 hindi kana magrereport for ACOP, pero ngayon po ibabalik yata po basta since nagpalit kasi po tayo ng new PCEO (President and Chief Executive Officer), siyempre nagra- run down din siya po ng mga programs niya so we are still waiting po kung ano po ang ibaba sa amin na ano instruction,” ani Robredo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *