St. Luke’s, iginiit na ang resulta ng drug test nito ay standard fomat

Inihayag ng St. Luke’s Medical Center na “standard format” at common sa mga otorisadong mga laboratoryo ang drug test results nito na kumakalat sa social media.

Kamakailan ay nakwestyon ng netizens ang kawalan ng letterhead sa resulta ng drug test ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. na kinuha umano sa St. Luke’s Taguig at ang address na makikita sa dokumento na Barangay Ususan.

Sinabi naman ng St. Luke’s na ang format sa printed test result nito ay standard at common sa lahat ng healthcare facilties na otorisado ng Department of Health na magsagawa ng dangerous drug tests.

Dagdag ng ospital, sa Barangay Ususan makikita ang lokasyon ng DOH Integrated Drug Test Operation Management Information System noong panahon na na-accredit ang St. Luke’s Medical Center – Global City sa Taguig noong 2010.

Hindi naman nilinaw ng ospital kung para kaninong drug test ang inilabas nitong pahayag, ngunit nagbabala ito sa social media users laban sa pagpapakalat ng maling impormasyon online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *