Sta Magdalena, nasa state of calamity dahil sa ASF

Isinailalim na ang bayan ng Sta Magdalena sa state of calamity dahil sa krisis na nararanasan ng bayan sa African Swine Fever (ASF), particular na sa hog raisers.


Inaprubahan na ng Sangguniang Bayan ang MDRRMC Resolution No 2 na may petsang Setyembre 15 na inirerekomenda nito ang pagsailalim ng buong bayan sa state of calamity dahil sa problemang dulot ng African Swine Fever (ASF).

Pangunahing dahilan ng deklarasyon ang lawak ng pinsala at epekto sa mga magbababoy.

Sa MDRRMC Resolution No. 2, series of 2022, nasa 370 baboy sa 6 na barangay ang apektado at tinatantiyang nasa 118 na magsasaka ang naapektuhan. Maliban pa dito, may mga bagong kaso pa na naiuulat sa kabila ng interbensyon ng gobyerno.

Inihahanda na ng LGU ang kaukulang pondo na kukunin sa kanilang QRF o Quick Response Fund upang matugunan ang problema sa patuloy na pagkalat ng ASF at para maibalik sa normal ang mga lugar na apektado ng ASF, maliban ditto, nakahanda na rin ang pondong-tulong ng Pamahalaang Panlalawigan na ibibigay sa naturang LGU.

Sa ngayon ay patuloy ang mga personahe ng Dept of Agriculture sa pagkolekta ng blood samples sa mga baboy habang ipinataw ang 1km para sa ASF control area, patuloy din ang disinfection at mas hinigpitan ng Sta Magdalean MPS ang kanilang check point katuwang ang opisyales ng bawat barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *