Binigyang diin ng Office of the Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) na isa ang pagkakaroon ng mga standing warrant of arrest sa ilang mga rebelde ang dahilan kung kaya’t ang mga ito ay takot na magbalik-loob sa pamahalaan.
Sa panayam ng Brigada News kay Christopher Azucena, Bicol Area Coordinator ng ahensy, sinabi nito na patuloy ang kanilang panawagan sa mga aktibong rebelde na huwag matakot dahil kumpletong proteksyon ang ibibigay nila sa mga ito at aalalay ang gobyerno pagdating sa mga kinakaharap nilang mga kaso.
Sinabi pa nito na dapat naman talaga nilang panagutan ang mga kaso ng at ipakitang handa silang sumunod sa mga batas ng Pamahalaan bilang isang mamamayang Pilipino.
Subalit, titiyakin naman nilang magkakaroon ang mga ito ng pag-asang mamuhay ng normal lalo na ang kanilang mga kapamilya na malayo sa banta ng anumang panganib.
