State funeral with full military honors para kay FVR, kinumpirma ng Palasyo

Inanusyo ng Palasyo na bibigyan ng pamahalaan ng state funeral with full military honors si dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Sa kanyang press briefing, sinabi ni Press Secretary Atty. Trixie Cruz Angeles na ang state funeral ay karapatan ng pamilya ng isang namatay na pangulo.

Kaugnay nito, inihayag ni Secretary Angeles na wala pang kumpirmasyon kung makakabisita si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa libing ng dating Presidente.

Aniya, hindi naman daw talaga ini-aanunsyo ang pagbisita ng Pangulo sa mga ganitong okasyon para na rin sa seguridad.

Sa August 9, araw ng Martes, nakatakda ang inurnment at ang paghahatid sa huling hantungan nito sa Libingan ng mga Bayani.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *