KORONADAL CITY – INIREREKOMENDA ngayon ng El Nino Task Force ng LGU-T’boli na isailalim sa State of Calamity ang buong bayan.
Ito’y matapos na walo na sa mga barangay ng bayan ang nagdeklara ng State of Calamity. Ang nasabing rekomendasyon ay pinaboran ng halos lahat sa mga miyembro ng El Niño Task Force kasama ang mga barangay captains na dumalo sa isinagawang emergency meeting.
Pinangunahan naman ni Vice Mayor Ronie L. Dela Peña kasama sina SB Committee Chair on Agriculture Councilor Pacifico Cordada Jr., at Councilors Kirk T. Tuan, Valerio Fado at ABC President Romeo Sugan, katulong ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sa pagtitipong ito, ipinaliwanag din ni Helia Dela Cruz ng Office of the Municipal Agriculturist ang naging estado ng El Nino ngayon kung saan tinitingnan na posible aabot pa sa buwan ng Hunyo.
Base sa datos ng OMAg-Tboli, umabot na sa P62,323,545.00 ang naging pinsala sa mga produkto ng 1,141 na mga magsasaka ng T’boli dahil sa El Nino.
Ayon naman kay Vice Mayor Dela Peña, pag-uusapan nila ang concern na ito sa Sangguniang Bayan batay sa rekomendasyon ng pagdedeklara ng State of Calamity sa darating na sesyon sa Lunes.
Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…
Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…
Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…
Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…
Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…
Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…