International

State of Emergency idineklara sa Italy dahil sa wildfire

Nagdeklara ng state of emergency ang Sardinia local government sa Italya bunsod ng wildfires na naganap na dahilan para lumikas din ang isang libong tao.

Ayon kay Sardinia region president Christian Solinas, hindi pa nila masabi ang halaga ng pinsala ng wildfire dahil nagpapatuloy pa ito sa Oristano area.

Sa inisyal na report, maraming taniman ng gulay, negosyo, kabahayan at mga alagang hayop ang napinsala ng sunog.

Inihayag naman ni Regional spokesman Ignazio Astissu na tinatayang aabot sa 20,000 hectares ang saklaw ng wildfire.

Sa kasalukuyan ay nakapag-deploy na ang kanilang otoridad ng 7,500 na tao at mahigit 20 na aircraft para mapahinto ang sunog maliban pa sa mga ipinadalang tulong ng kapit-bansa na France at Greece.

Kaugnay nito, hinimok ni Solinas si Italian Prime Ministger Mario Draghi na magpadala ng economic help sa mga apektadong lugar

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

3 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

3 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

3 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

3 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

3 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

4 hours ago