State prosecutors, tinapos na ang preliminary investigation sa murder complaints na isinampa laban kay Bantag

Tinapos na ng state prosecutors ang preliminary investigation sa mga kasong pagpatay na isinampa kay suspended BuCor Chief Gerald Bantag na a umano’y utak sa pagpatay kay Percival “Percy Lapid” Mabasa.

Sinabi ni Senior Assistant State Prosecutor Charlie Guhit na ang kaso ay submmited na ngayon for resolusyon.

Sa submission ni Bantag sa prosecution panel, iginiit niya ang pagtanggi sa lahat ng paratang laban sa kanya.

Kahit na naghain siya ng kanyang counter-affidavit, iginiit ni Bantag na walang hurisdiksyon ang Department of Justice na magsagawa ng preliminary investigation ngunit ibinasura ito panel ng prosecution.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *