StaySafe.ph, all systems go na

All systems go na para sa official contact tracing application na StaySafe.ph ng gobyerno, matapos na maplantsa ang ilang mga kontrobersiya na nakapalibot dito.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ito ay bago matapos pang sabihin ni contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na hindi umano niya masasabing ang app ay “highly reliable” ilang buwan matapos gamitin ang StaySafe.ph bilang mandatory para sa mga local government units (LGUs) at national agencies.

Matatandaan na noong Marso nang iturn-over ng app developer na Multisys Technologies Corp. ang StaySafe.ph sa DILG.

Layunin naman ng DILG na pagsamahin ang StaySafe.ph sa bawat contact-tracing apps ng mga LGUs. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *