Stephen Curry, hindi makakalaro ng 2 linggo dahil sa inujury sa kanyang kaliwang balikat

Hindi makakapaglaro ng dalawang linggo ang reigning NBA Finals MVP na si Stephen Curry para sa Golden State para magpagaling sa partial dislocation ng  kanyang  kaliwang balikat.

Nakuha ni Curry ang injury sa laro sa Indiana noong December 14.

Ang 34-anyos na si Curry, na nag-average ng 30.0 points, 6.6 rebounds at 6.8 assists, ay hindi nakasama sa nakaraang apat na laro para sa defending champions.

Hindi sumalang ang 34-anyos na star guard sa nakaraang apat na laban ng Golden State.

Hindi makikita sa aksyon ang two-time NBA Most Valuable Player at NBA Finals MVP sa anim na laro ng Warriors sa nasabing dalawang linggong pahinga.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *