Stephen Speaks, humingi ng paumanhin sa publiko matapos ang viral post

Humingi ng paumanhin sa publiko ang American pop band na Stephen Speaks matapos ang kanilang viral post patungkol sa pagpapalusot umano sa kanila ng isang traffic enforcer matapos nilang magka-traffic violation noong February 17.

Kuwento ng grupo sa naturang post, nahuling nag-beating the red light sa Maynila ang sinasakyan nilang transport network vehicle service , pero nang alukin ng selfie ng tour crew ng banda ang enforcer ay hindi na raw tiniketan ang TNVS driver.

Paborito raw kasi ng enforcer na kantahin ang Passenger Seat na isa sa hit songs ng Stephen Speaks kung kaya’t pinalusot sila.

Nilinaw ng grupo na walang kasalanan ang driver.

Ipinakita ng TNVS driver ang kuha ng kanyang dashcam na nagpapakita na wala silang nilabag na batas-trapiko.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *