‘Stipend,’ matatanggap na ng mahigit 200 estudyante ng SSU

SORSOGON CITY – Aabot sa 208 na mga estudyante ang makatatanggap na ng kanilang stipend o tulong mula sa CHED Tulong Dunong Program-Tertiary Education Subsidy para sa 1st semester ng Academic Year 2020-2021 new grantees ng Sorsogon State University.

Naka-eskedyul ngayong araw, Mayo 19 hanggang sa Mayo 20 ang release ng nasabing stipend. Nakaeskedyul ngayong araw ang 103 na estudyante at ang natitirang 105 ay naka-eskedyul naman sa araw ng Biyernes .

Magsisimula ito ala-una ng hapon at magtatagal hanggang alas kuatro kung saan pinapayuhan ang lahat ng magki-claim na magpunta ng alas onse ng umaga.

Inaabisuhan din ang mga ito sa mga dapat dalhin at kailangang gawin bago ang release.

Una na rito ang pag-accomplish ng Health Declaration Checklist (HDC) na makukuha sa guardhouse. Bago kunin ang stipend, lagdaan ang payroll sa SSU Covered Court.

Magdala ng school ID at isang photocopy nito na may tatlong (3) pirma na nakakabit sa kopya.

Magsuot din ng face mask at face shield at iobserba ang social distancing, magdala ng sariling alcohol/sanitizer at blue ink na ballpen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *