STL agent naaresto ng mga otoridad sa isang buybust operation

CAMARINES NORTE- Isang STL Agent ang nadakip ng mga otoridad sa pamamagitan ng ikinasang buybust operation nitong Mayo 26, 2021 dakong alas 10:10 ng gabi sa E. Ferrer St., Purok 3, Barangay 1, Daet, Camarines Norte.

Ang suspek ay nakilalang si JERSON OBIDA y Encinas, 32 anyos na binata, residente ng Purok 1, Barangay Cobangbang, Daet at  kabilang sa Drug Related Data Integration Generation System (DRDIGS) ng Camarines Norte PNP

Ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagkakarekober ng  Isang (1) piraso ng limang daang piso (₱ 500) at isang kulay blue/brown na shoulder bag na may tatak na Polokemi na may lamang isang (1) plastic sachet na naglalaman din ng anim (6) na maliliit na pakete ng hinihinalang shabu.

Ang mga nasamsam na iligal na droga ay tinatayang nagkakahalaga ng Tatlong Libong Piso (₱ 3,000).

Samantala, inihahanda na ng mga operatiba ng Daet MPS ang mga kaukulang dokumento at ebidensya para sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *