Stockpiles ng family food packs at iba pang mga pangangailangan, handa na ayon sa DSWD Bicol para sa paparating na super typhoon

LEGAZPI CITY – Bagama’t hindi naman Bicol Region ang magiging sentro ng paparating na supertyphoon “Betty”, nakahanda pa rin ang Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) Bicol lalo na pagdating sa mga ipapamahaging relief goods.

Kinumpirma ni Marites Quismorio, OIC Division Chief ng nasabing tanggapan na mayroon silang stockpile ng family food packs at mayroon pa umanong mga paparating, kung saan kasama na rin ang mga prepositioned goods sa mga lokal na pamahalaan sa lahat ng mga probinsya.

Buko dito, mayroon pa umanong raw materials na kasalukyan pang nire-repack, at non-food items tulad ng family o hygiene kits, at kitchen kits.

Pagdating naman sa standby fund ayon kan Quismorio, mayroon pa naman silang PHP5M, subalit sakali man umanong magkulang ito, tiniyak niya na hindi naman nagpapabaya ang central office.

Ayon sa kanya, prayoridad ng kanilang tanggapan ang mga evacuees lalung-lalo na ang mga vulnerable sectors at sila ang dapat na unang makatanggap ng mga inihanda nilang relief goods.

Maliban dito aniya, maging ang mga residente sa mga isolated na mga barangay na apektado na baha ay kasama sa kanilang prayoridad.

Samantala, sinabi naman ni Quismorio na bago makarating sa mga residente ang prepositioned goods, kinakailangan munang maaabisuhan ng LGU ang DSWD sa pamamagitan ng liham o email, o kaya naman ay tawag kasama ang disaster report na siyang batayan sa pagbibigay ng asistensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *