Storytelling session para sa literasiya sa mga K-3 learners, isinagawa sa Tabaco City

LEGAZPI CITY – Isinagawa ang isang story-telling session sa siyudad ng Tabaco, sa lalawigan ng Albay.

Ang nasabing aktibidad ay may temang “Ang Batang Nagbabasa, Hatid at Pag-asa!” ay bahagi ng ABC+: Advancing Basic Education in the Philippines Project na naglalayong pahusayin ang mga kasanayan sa pagbasa, matematika, at sosyo-emosyonal ng mga mag-aaral ng Kindergarten hanggang Grade 3 o ang K-3.

Naging centro ng nasabing aktibidad ang mga K to 3 learners mula sa Tabaco City Northwest Central School. Ito ay pinangunahan ng Department of Education (DepEd) SDO Tabaco City, na suportado ng United States Agency for International Development (USAID Philippines) at RTI International.

Hindi bababa sa apatnapu’t lima (45) na mga bata mula kindergarten hanggang grade 3 young learners mula sa Barangay Cormidal, Oras, at Panal, Tabaco City, kasama ang kanilang mga magulang o tagapag-alaga na bahagi ng Neighborhood Parents Support Group (NPSG), ang dumalo sa nasabing aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *