Stress reliever program, isinagawa sa daraga evacuation center para sa mga apektadong residente ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Isinagawa sa Daraga Evacuation Center ang Arangkada Banwa Stress Reliever Program (ABSRP) paea sa mga residenteng naaapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Kabilang sa mga isinagawa sa ilalim nito ay ang coloring activities para sa mga bata, namigay ng libreng kendi, chips at mga inumin.

Maliban dito, ilan namang mga residente ang nakatanggap ng libreng gupit, manicure at pedicure.

Ito ay isang interbensyon ng LGU sa pangunguna ni Mayor Awin Baldo upang mabigyan ng kaunting kasiyahan ang mga bakwit habang nasa loob ng evacuation center.

Samantala, pinagpaplanuhan din na magkaroon ng patimpalak para sa mga bakwit na may pinakamalinis na silid sa evacuation site sa susunod na linggo at ang mga mananalo ay magkakamit ng cash prizes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *