Tiniyak ni Subic Mayor Jon Khonghun ang tulong ng Lokal na Pamahalaan sa mga pamilya ng tatlong mangingisda na nasawi matapos umanong mabangga ng isang barko ang kanilang fishing vessel noong Lunes ng madaling araw.
Kabilang na dito ang funeral services at iba pang kinakailangan ng tatlong pamilya.
Dagdag pa ng Alkalde, kakausapin rin niya maging ang labing-isa pang mga tripulante na nakaligtas para sa tulong na posibleng maibigay ng LGU dahil batid umano nito ang trauma na dinanas ng mga biktima.
Samantala, siniguro ng Philippine Coast Guard na masusing iimbestigahan ang insidente para mapanagot ang may sala.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
