Substantial ayuda kontra kahirapan, isinusulong

Isinusulong ngayon ng isang advocacy group ang pagbibigay ng “Substantial ayuda” ng gobyerno sa mga mahihirap na mga Filipinong apektado ng pandemya.

Ayon sa Research and advocacy group IBON Foundation, hindi sapat ang P1,000 na natatanggap ngayon ng mga low-income family na apektado ng ipinatupad na enhanced community quarantine o ECQ.

Kahit niluwagan na anya ito sa MECQ ay mayroon pa ring mga pamilyang hindi nakakatanggap ng naturang ayuda.

Dahil dito, nais ng grupo na ipatupad ng gobyerno ang pamamahagi ng one-time P10,000 ayuda para sa 18 million poorest Filipino families.

Giit ng IBON, maraming mga pamilya sa buong bansa ang naghihirap dahil sa mas istriktong restrictions ngunit wala umanong ginagawa ang Duterte administration para matugunan ito.

Nabatid isinusulong ng mga mambabatas ang Bayanihan 3 para makarekober ang ekonomiya ng bansa.

Ngunit ang economic team ng Duterte administration ay sinasabing hindi pa ito posible dahil wala pang mapagkukunan ng budget.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *