Sugar importation mess, tatalakayin sa Senate Blue Ribbon commitee sa susunod na linggo

Tiniyak ni Senate Blue Committee chairman senador Francis Tolentino na hindi magagamit ang komite para pamumulitika.

Sa kanyang talumpati sa isinagawang public hearing sa Senado siniguro ni Tolentino na walang political circus sa kanilang isasagawang mga pagdinig.

Dagdag pa nito patuloy nilang igagalang ang karapatan ng mga witness at mga resource person habang patuloy na sinisiyasat kung ano ang katotohanan.

Binigyan diin nito na walang sasantuhin ang senate blue ribbon kahit sino pa man ang masaktan at masasagasaan ay gagawin nila kung ano ang tama.

Inihayag din ni Tolentino na ipapaubaya nila sa korte ang paghusga sa mga taong makikita nilang mayroong pananagutan sa mga kasong iimbestihan ng komite.

Magugunitang nabatikos noon ang hearing ng senate blue committee sa isyu ng Pharmally Pharmaceutical matapos ang mahabang senate investigation na umanoy ginagamit lang ng mga senador para sa media mileage upang bumango sa eleksiyon.

Samantala, unang tatalakayin ng Senate Blue Ribbon Committee ang isyu ng sugar importation sa Martes, August 23; habang ang isyu naman sa procurement ng overpriced laptops ng PS-DBM ay tatalakayin sa Huwebes, August 25.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.