Sugar planters, suportado ang panawagang magkaroon ng 2-month buffer stock sa asukal

Suportado ng National Federation of Sugarcane Planters (NFSP) ang panawagan ni President Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang two-month buffer stock para sa asukal sa katapusan ng milling season.

Paliwanag ng presidente ng grupo na si Enrique Rojas, na ang buffer stock ay kailangan para suplayan ang domestic market habang hindi pa naabot ng sugar mills ang peak production.

Dagdag nito, na ang kakulangan ng buffer stock ay magdudulot sa pagtaas sa presyo ng domestic sugar.

Pinatitiyak din nito sa Sugar Regulatory Administration, na magkaroon ng safeguards para matiyak na ang volume at pagdating ng buffer stock ay maka-calibrate upang hindi maapektuhan ang domestic millgate prices.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *