Suicide Bomber sa Nigeria, ikinamatay ng 30 katao at 100 sugatan

Patay ang 30 katao habang isang-daan naman ang sugatan dahil sa pagsabog ng suicide bomber sa Nigeria.

Ayon kay Alhaji Mohammed Shehu Timta, ang unang pag atake ay naganap noong sabado sa pangunguna ng isang babae.

Mariing kinondena ni Nigerian President Bola Tinubu, na desperado ang ginawang pag atake ng mga terorista.

Dagdag pa niya, ang kanyang administrasyon ay gumagawa ng paraan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Ipinangako rin ni Tinubu na makakamit ang hustisya at mananagaot ang may sala.

Sa ngayon, wala pang umaako ng responsibilidad para sa pagpapasabog na naganap. (BRIGADA INTERN-JHALDEA TOLENTINO).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *