SUMUKONG REBELDE SA NUEVA VIZCAYA SA BUWAN NG ABRIL, UMABOT SA 13

Aabot sa labintatlong dating rebelde ang sumuko sa pamahalaan sa buong buwan ng Abril sa Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Nueva Vizcaya Police, mula sa labintatlong sumukong dating miyembro ng New People’s Army at tagasuporta nito ay dalawa ang nagsuko ng kanilang mga armas.

Ang pagsuko ng mga dating rebelde ay resulta umano ng mga outreach programs ng NVPPO sa mga barangay sa Ambaguio, Kayapa, Alfonso Castañeda at iba lalo umano sa mga bulubunduking bahagi ng probinsya.

Samantala, kinumpirma naman ng Nueva Vizcaya PPO na mayroon nang mga dating rebelde ang nakakuha ng kanilang mga bahay sa ilalim ng kanilang programang , “Pabahay ng Pulis Alay sa Iyo.”

Nanawagan naman si NVPPO Provincial Director PCol. Camlon Nasdoman sa mga natitira pang miyembro at taga-suporta ng makakaliwang pangkat na sumuko na upang matamasa ang tunay na mjaayos na pamumuhay at matamasa ang mga benepisyo sa ilalim ng E-CLIP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *