Sundalo at NPA sa Sorsogon, muling nagkasagupa

SORSOGON CITY – Muling nagkasagupa ang militar at ang hindi madeterminang bilang ng  rebeldeng NPA alas 8:50 ng umaga, Agosto 3 sa Brgy Padre Diaz sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Sa ulat na pinalabas ng 22nd Infantry Battalion, nagpapatuloy ang kanilang pursuit operations sa mga tumakas na rebelde matapos ang engkwentro noong Hulyo 31 sa Brgy San Juan Daan sa parehong bayan, nang namataan nila ang parehong grupo sa Brgy Padre Diaz.

Matapos ang ilang minuto na palitan ng putok ay tumakas ang mga rebelde sa ibat-ibang direksyon.

Narekober ng mga sundalo sa pinangyarihan ng engkwentro ang Molotov bomb, apat na magazine para sa M14 rifle na kargado ng bala at bandolier.

Siniguro naman ng pamunuan ng 22nd IB sa pamamagitan ng kanilang battalion commander na si Ltc Nelson Mico na tuloy-tuloy ang kanilang military operations sa mga lugar na may mga sightings ng rebelde lalo na ang mga pinagkukutaan ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.