Nakatakdang maglabas ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng opisyal na inflation report para sa buwan ng Agosto sa Setyembre 5 o sa darating na araw ng Martes.
Kaugnay nito, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na malaking bahagi ng naging pagtaas ng mga pangunaghing bilihin sa nakalipas na buwan ang sunod-sunod na sama ng panahon na nararanasan ng Bansa.

Paritkular na tinukoy ng BSP ang presyo ng bigas at iba pang mga produktong pang-agrikultura dahil sa pinsalang dinulot ng mga nagdaang bagyo sa mga magsasaka.
Samantala, ang pagtaas naman ng presyo ng petrolyo ang iniuugnay sa pagtaas ng gastos sa transportasyon na nagbunsod sa taas singil sa pamasahe at toll gayundin ang pagbaba ng halaga ng piso.
Sa pagtaya naman ng BSP, mag-settle sa 4.8% hanggang 5.6% ang inflation rate sa buwan ng Agosto.