Sunod sunod na pamamaril sa Lucena City sa loob ng dalawang linggo, kinababahala na ng publiko

Kinababahala na ng publiko ang sunod sunod na insidente ng pamamaril sa Lungsod ng Lucena nitong nagdaang dalawang linggo.

Ito ay matapos maganap ang isang shooting incident sa Brgy. Isabang ng nasabing Lungsod at napatay ang isang lalaki lulan ng motorsiklo kahapon, Mayo 16.

Kung saan ito ay ay ika-apat na insidente na na ng pamamaril matapos maganap din ang pamamaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Brgy. Mayao Castillo, Brgy. Isabang, at Brgy. Iyam nitong mga nagdaang araw.

Kaya naman, napagpasyahan na ring ipatawag ng sanggunian panlalawigan ang pamunuan ng PNP sa lalawigan upang pag-usapan ang isinasagawang hakbang ng pulisya upang maresolba ang suliraning ito.

Kaugnay nito, base sa opisyal na pahayag na inilabas ng Quezon PNP, itinuturing nilang ‘isolated case’ ang mga pamamaril dahil hindi namam umano konektado ang mga pangayayaring ito, kung kaya’t walang dapat umanong ika-alarma ang mga mamamayan sa lalawigan.

Ayon pa sa Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office na si PCol Ledon Monte mas pinapaigting na ngayon ng mga kapulisan ang pagsasagawa ng patrolya at pagkakaroon ng mga checkpoint operations sa iba’t ibang munisipalidad.

Dagdag pa, kanila na rin umanong tinututukan ang bawat kaso para sa agarang kalutasan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *