Local News

Sunod-sunod na patayan naganap sa Masbate; dalawa, kabilang ang isang senior citizen, patay

SORSOGON CITY – Hindi pa man nareresolbahan ang naganap na masaker sa bayan ng Balud, dalawa muli ang nasawi habang isa ang sugatan sa nangyaring sunod-sunod na insidente ng pamamaril sa nasabing lalawigan.

Unang naitala ang insidente ng pamamaril sa Brgy Piṅa sa bayan ng Palanas kung saan isang 61-anyos na biyudo ang biktima.

Kinilala itong si Danilo Esquilona Rosero, self-employed at naninirahan sa Brgy Quezon, Masbate City.

Batay sa ulat, natutulog umano ang biktima sa isang kubo nang pagbabarilin ng suspek na armado ng mahabang baril.

‘Dead on the spot’ ang biktima sa tinamong tama ng bala sa iba-t-ibang paret ng katawan nito.

Narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng bala mula sa M16 rifle.

Sa bayan naman ng Mandaon ay napaulat na isang laborer ang nasawi habang sugatan ang kasamahan nito sa Brgy Bat-ongan.

Kinilala ang nasawi na si Arthur Valle Majestral, 47-anyos at residente ng nasabing barangay habang nasugatan naman sa paa si Felix Esquilona Rocha, 30-anyos, electrician at naninirahan sa Brgy Lahong sa bayan ng Baleno, Masbate.

Nag-iinuman umano ang mga biktima nang pagbabarilin ng dalawang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng Pulisya sa sunod-sunod na naganap na karahasan.  

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

10 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

10 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

10 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

10 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

10 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

10 hours ago