Sunog, dapat itawag kaysa i-video- City Fire Station

Nanawagan ang Bureau of Fire Protection sa publiko na tumawag agad sa mga awtoridad kapag may sunog kaysa sa mag-video.

Ayon kay SFO1 MArk Llacuna ng City fire Station, napansin kasi nilang inuna pa ng iba na mag-video sa nangyayaring sunog kaysa tumulong sa pag-apula o tumawag ng bumbero.

Inihayag ito ni Llacuna makaraang masunog ang kabahayan sa Barangay Mabuhay, Bgy. Pagkakaisa at Barangay Masigla sa Lungsod nitong Miyerkoles, March 8.

Malaking tulog umano ang pagbabalde-balde ng tubig ng mga residente upang hindi mabilis na kumalat ang ang apoy sa ibang kabahayan.

 Sa kabilang banda, ipinagpasalamat ng City fire station ang pagtutulungan ng ibang residente bago pa lumaki ang pinsala ng sunogan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *