Suns Booker ayaw ikumpara ang sarili kay Kobe Bryant

Hindi umano dapat ikumpara si Phoenix Suns Devin Booker kay NBA legend Kobe Bryant.

Ito ang naging pahayag ni Booker nang matanong kung ano ang reaction nito sa mga fans na inihahalintulad ang kanyang paglalaro kay Bryant.

Ayon kay Booker hindi niya iniisip ang naturang bagay at masaya na siyang naging mentor niya ang tinaguriang ‘black mamba’ sa paglalaro ng basketball.

“I haven’t really thought about it much,” saad ni Booker.

Bagama’t medyo dehado ang kalagayan ngayon ng Suns kontra Milwaukee Bucks sa NBA Finals na nasa 2-3 standing, patuloy naman ang pagpapasiklab ni Booker sa serye na nagtala ng 40 points sa back-to-back game.

“I know it’s something that everybody is gonna ask right now, and I didn’t make that comparison myself. I just leave it at what he’s done for me as a mentor and the advice that he’s left me with, so I try to take bits and pieces of his mentality and approach, but I should never be compared to Kobe Bryant.”

Bukas susubukan naman ng Suns na manalo sa Game 6 upang ma-extend ang NBA Finals series at maipilit ang do-or-die game sa kanilang home court.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *