Suns na-sweep ang Nuggets, pasok na sa Western Conference Finals

Hindi na hinayaan ng Phoenix Suns na maka-isa ang Denver Nuggets at tuluyang tinapos ang serye sa Game 4 ng Western Conference semifinals, 125-118.

Muling nagpasiklab ang guard-combo na sina Devin Booker at Chris Paul na humakot ng 67 combined points para i-sweep ang Denver sa mismong home court nito.

Wala naman nagawa ang 2020-2021 NBA MVP na si Nikola Jokic para tulungan ang kanyang koponan matapos itong ma-eject sa 3:52 mark ng 3rd period dahil sa flagrant 2 foul kay Cameron Payne.

May 22 puntos si Jokic habang may 25 puntos naman si Will Barton na sinubukan pang isalba ang Nuggets.

Dahil sa panalo hihintayin na lamang ng Suns sa Western Conference Finals ang mananalo sa serye ng Utah Jazz at Los Angeles Clippers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *