Suntukan ng mga estudyante sa isang paaralan sa Palawan, nakuhanan ng video

Sapul sa video ang suntukan at tadyakan ng mga mag-aaral mula sa mataas na paaralan sa Barangay Pangobilian sa Brookes Point Palawan.

Ang nag-viral na video ay kuha umano noong araw ng Miyerkoles sa ‘tambayan’ ng mga estudyante sa labas ng paaralan at sa likod ng Sports Complex.

Ang insidente ay ikinalungkot ng punong barangay na si Kapitan Violeta Dela Cruz at ayon rito ay hindi ito ang unang pagkakataon na may naiulat na kaguluhan sa lugar.

Regular din umanong nagroronda ang mga tanod sa lugar na pinangyarihan subalit kapag umalis na ang mga ito ay bumabalik na naman ang kabataan.

Samantala, wala pang inilalabas na na pahayag ang pamunuan ng Brookes Point National High School sa viral video.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *