Super health center sa Calintaan Island sa Subic malaking bagay para sa pagresponde sa mga emerhensya

Wala nang kailangan pang ipangamba pagdating sa kaligtasan ng mga turista sa Subic beach partikular na sa pagbibigay ng first aid at agarang medikasyon, magkaroon man ng emergencies, ito’y sa oras na maisakatuparan na ang planong pagtatayo ng super health center sa isla.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Darrel Jun Buena ng LGU Matnog, sinabi nito na ang nasabing pasilidad kasi ay maikokonsiderang mini hospital kung saan mayroon ding doktor na magduduty dito tatlong beses sa isang linggo.

Aniya, malaking bagay ito dahil makasisiguro na mayroon nang ekspertong malalapitan at makakapagbigay ng paunang lunas sa panahon ng mga emerhensiya.

Mababatid na ang nasabing pasilidad ay kasama sa mga major developmental project na itatayo ng Provincial Government sa lugar bilang bahagi ng pagdevelop sa nasabing isla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *