Suplay ng karneng baboy sa pamilihang panlungsod ng Sorsogon bumaba ng 40% dahil sa banta ng ASF

SORSOGON CITY – Mababa pa rin sa 40% ang suplay ng karne sa pamilihang panlungsod ng Sorsogon kumpara sa kabuuhang suplay sa panahon na wala pang banta ng African Swine Fever o ASF sa lalawigan.

Sa panayam ng Brigada News FM kay City Veterinary Office Head Dr. Alexander Destura, sa ngayon ay aabot 80 ulo ng baboy na lamang ang kanilang isinasailalim sa inspeksyon araw-araw na bahagyang mababa kumpara sa 130 noong wala pang ASF.

Kaugnay nito, patuloy naman na nag-paalala ang opisyal sa publiko na tiyakin ang kalinisan sa mga kulungan ng alagang hayop upang maiwasan ang kontaminasyon na posibleng pagmulan ng ASF.

Patuloy naman aniya ang monitoring ng kanilang hanay upang matiyak na ligtas ang mga karneng isinusuplay sa mga pamilihan ng lungsod ng Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *