Suplay ng tubig sa lungsod sapat kahit sa pagsisimula ng summer season – Sorsogon City Water District

Siniguro ng Sorsogon City Water District na sapat pa rin ang suplay ng tubig sa lahat ng household sa lungsod sa pagsisimula ng summer season.

Sa panayam ng Brigada News Sorsogon kay General Manager Eduardo Tejada, sinabi nito na base sa kanilang monitoring, hindi makakaapekto ang panahon ng tag-init sa 15K member consumer ng Prime Water kung saan mayroon na umano itong 14 na water sources na patuloy pa nilang pinapalakas.

Dagdag pa ng opisyal, patuloy sa pagbaba ng naitatala nilang mga nasasayang na tubig mula sa leakage at illegal connection dahil sa puspusang inspection sa lahat ng linya ng tubig.

Sa datos ng opisina, umaabot sa mahigit sa 12 libong cubic meter ng tubig kada araw ang naisusuplay nila sa lahat ng mga member consumers, mas mataas ito sa standard na 10 hangang 11K kapasidad ng 15 households.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *