Suporta sa death penalty sa heinous crimes sanggkot ang illegal na droga muling iginiit ni Sen. Go

NAGA CITY- Muling iginiit ng isang Senador ang kaniyang suporta sa Death Penalty sa heinous crimes sanggkot ang ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Senador Bong Go , kapag buhay ang sinira,  buhay rin ang kabayaraan. Kapag kumalat ang droga mawawasak ang pamilya, babalik ang kriminalidad at ang korapsyon. Mababatid na una na itong itinulak ng opisyal sa 18th Congress.

Si Go ay isa sa mga bisita sa 1st Bicol Social Media Summit 2023 na ginanap sa Naga City nitong Sabado Hunyo 3, 2023.

Samantala , ilang araw na ang nakararaan nang tapusin na ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang imbestigasyon ukol sa umano’y drug cover-up sangkot umano ang ilang pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *