Supply boats ng Pilipinas muling maglalayag papuntang Ayungin shoal

Muling maglalayag papuntang Ayungin Shoal ang dalawang supply boats ng Pilipinas ilang araw matapos itong bombahan ng water cannon ng Chinese Coast Guard.

Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasabay ng pangako ng China na hindi na nito gagalawin ang mga supply boats ng bansa.

Ayon sa defense chief nakausap na niya si Chinese Ambassador to Manila Huang Xilian at nangako itong hindi na papakialaman ang mga barkong maghahatid ng pagkain at mga suplay sa mga sundalong nakabase sa Ayungin shoal.

Sinabi ni Lorenzana na inatasan na niya ang Armed Forces of the Philippines na ituloy ang naunsiyaming supply mission.

Inihayag ng kalihim na titingnan nila kung magiging totoo ang China sa kanilang mga sinasabi.

Binigyan-diin ni Lorenzana na ang ginawa ng Chinese coast guard ay malinaw na paglabag sa soveriegn rights ng Pilipinas sa loob ng exclusive economic zone (EEZ).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *