Supreme Court Justices personal na nagpasalamat sa pag tanggap ng Naga City at UNC bilang venue ng bar exam

NAGA CITY- Personal na nagpasalamat sa Naga City at sa University Of Nueva Caceres ang justices ng  Supreme Court sa pagtanggap at pag-asikaso bilang isa muli sa iilang venue ng bar exam sa panahon ng pandemya.

Ang 2020-2021 ang tinaguriang  โ€œBest  Bar Everโ€.  Sa mensahe ni Senior Associate Justice Marvic Leonen sa unveiling ng historical marker sa naturang Unibersidad nitong nagdaang araw, binigyang diin ang naging benepisyo para sa mga kukumuha ng exam tulad ng pagbawas sa gastos at panahon na gugulin sana ng mga Bicolano sa pananatili sa Maynila para sa exam.

Dito rin sumentro ang mensahe ni Honorable Chief Justice Alexander G. Gesmundo kasabay ng positibong pananaw sa bagong modality.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *