Local News

Surallah, isinailalim na sa state of calamity dahil sa dengue

KORONADAL CITY- ISINAILALIM sa state of calamity dahil sa dengue ang bayan ng Surallah sa lalawigan ng South Cotabato.

Ito ang inihayag ni Surallah Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer o MDRRMO Leonardo Ballon matapos na inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang kanilang rekomendasyon.

Napag-alaman na tatlong mga barangay sa naturang bayan ang unang nagdeklara ng state of calamity, ang Barangay Buenavista, Barangay Centrala at Barangay Dajay.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng mga hakbang ang LGU partikular ang Municipal Health Office upang masugpo ang dengue lalo na sa mga barangay na may clustering of cases.

Hinihikayat naman ni Ballon ang mga mamamayan na tumulong sa pagsugpo sa dengue sa pamamagitan ng paglilinis sa paligid at paghahanap sa mga lugar na maaaring pangitlogan ng lamok na nagdadala ng dengue virus lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.(JEED SEBANES GAPE|BNFM KORONADAL)
#

BNFM Koronadal

Recent Posts

Cedric Lee nakakulong na sa New Bilibid Prison

Nakakulong na sa New Bilibid Prison ang negosyanteng si Cedric Lee matapos na matanggap ng…

24 mins ago

Isang lalaki sa Russia inaresto ng mga otoridad dahil sa kulay ng kanyang buhok

Dahil sa hair color, inaresto ng mga otoridad sa Russia si Stanislav Netesov. Ipina-dye kasi…

30 mins ago

Bagong kanta ng SB19 na moonlight inilabas na

Heads up A’tin! Inilabas na ng Ppop super group na SB19 ang kanilang pinaka bagong…

36 mins ago

40 degrees Celsius o higit pa asahan ngayong weekend sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE - Asahan pa rin ang matinding init ng panahon na mararanasan sa lalawigan…

1 hour ago

Flexible work arrangement maaaring i-adopt sa gitna ng nararansang matinding init ng panahon ayon sa CSC

CAMARINES NORTE - Inihayag ng Civil Service Commission na maaaring i-adopt ng mga opisina ng…

1 hour ago

Ordinansa patungkol sa pagbibigay ng special protection sa mga bata kapag may kaguluhan aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng SB Basud

CAMARINES NORTE - Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan ang “Children…

1 hour ago