Susan Roces ililibing katabi sa puntod ng asawang si FPJ

Kumpirmado nang ililibing ang mga labi ng Philippine Queen of Movies Susan Roces sa tabi ng kanyang namayapang esposong si Fernando Poe Jr. sa Manila North Cemetery.

Ayon sa report, mabilis na naihanda ang nitso ni Manang Inday sa tabi ng kanyang asawa kung saan ihahatid siya sa kanyang huling hantungan bukas, May 26.

Napag-alaman na ngayon pa lang ay marami na ang sumisilip sa Manila North Cemetery..

Matatandaan na namayapa si FPJ noong December 14 2004

Samantala, patuloy ang pagbuhos ng mga pakikiramay, pagdagsa ng mga kaibigan at kasamahan ni Manang Inday na nakikiramay sa the Heritage park

Leave a Reply

Your email address will not be published.