Suspect sa DPWH exec shooting, orihinal na kriminal lang – SPD

Gumagamit daw ng grupo ang riding in tandem suspects na nanambang sa hepe ng Right of Ways Acquisition and Legal Division ng DPWH-NCR para lituhin ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Southern Police District Director PBGen. Kirby John Kraft, mga ordinaryong kriminal ang mga suspek na ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.

Samantala, patuloy naman nagpapagaling sa ospital si Atty. Maria Rocelle Melizza, matapos magtamo ng tama ng baril sa kanyang ulo at balikat.

Ang kanyang driver naman na nasugatan din ay nakalabas na ng ospital.

Maaalalang naganap ang insidente noong June 5 sa kahabaan ng Bgy. 21 sa Pasay City habang papasok sa opisina ang biktima sakay ng puting pick-up.

Naglaan ng P200k na pabuya ang SPD na nagmula sa mga stakeholders nito para sa ikadarakip ng mga suspek sa pamamaril.

Inilabas na rin ng SPD ang litrato ng isa sa dalawang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *