Suspek na sangkot sa landmine attack sa Masbate na ikinasawi ng FEU football player, arestado na

Hawak na ng mga awtoridad ang isa sa priority target ng gobyerno na si Dindo Monsanto alyas “Ka Ruel.” 

Ayon kay CIDG director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr., si Monsanto na commanding officer ng Regional Operations Command ng Bicol Region Party Committee at miyembro umano ng Central Committee CPP-NPA-NDF ay may walong warrant of arrest at may patong sa ulo na 1.2 million.

Naaresto siya kahapon ng pinagsanib na pwersa ng PNP CIDG at AFP sa Malabon City at narekober sa kanyang bahay ang isang M16, caliber 45, granada at mga bala.

Si Monsanto ang itinuturong suspek sa landmine attack sa Masbate City noong June 6,  2021  kung saan dalawa ang patay kabilang ang FEU football player na si Kieth Absalon.

Siya rin umano ang nanguna sa pag-atake sa isang police station sa Daraga, Albay noong march 2021 na ikinamatay ng limang pulis.

Nasa custodial facility na ng CIDG ang naarestong suspek.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *