Suspek sa kasong tangkang pagpatay arestado makaraan ang 19 na taon

SORSOGON CITY – Nahuli ng Gubat Police ang isang suspek makaraan ang 19 na taon dahil sa kasong kinakaharap nito na tangkang pagpatay sa bayan ng Gubat, Sorsogon.

Natunton ng mga awtoridad ang suspek na si Arnel Jardin Enano, 52-anyos, may asawa, magsasaka at naninirahan sa Brgy Bentuco ng nasabing bayan at hinain sa kaniya ang isang warrant of arrest sa kasong attempted murder.

Si Enano ay nasa listahan ng Gubat Police bilang rank No. 6 most wanted person.

Ang warrat of arrest ay ibinaba ng RTC Br 53-Sorsogon City na may kaukulang piyansa na P120, 000.00 para sa temporaryong kalayaan nito.

Sa pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ng hepe ng Gubat Police na si PMaj Jose Arnel Geronga, sinabi nito na naapruban na ng korte ang piyansa ng akusado at naitakda na rin ang pagdinig sa korte ng naturang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *