Suspek sa Lunar New Year shooting sa California pumanaw na

Nagtapos na ang manhunt operations ng Los Angeles Police District sa gunman na nas alikod ng pamamaril sa isanb ballroom dancxe club sa Monterey Park, California sa kasagsagan ng Lunar New Year celebrations na ikinasawi ng sampung indibidwal.

Ayon kay Los Angeles County Sheriff Robert Luna, nakilala ang suspek na si Huu Can Tran, 72-anyos.

Aniya, binaril umano ng suspek ang kanyang sarili nang mapalibutan na ng mga otoridad ang kaniyang puting van na sinasakyan.

Napag-alaman ding may binabalak pa umano ang suspected gunman na isa pang shooting incident.

Narekober sa posesyon nito ang isang semi-automatic pistol na may extended magazine; at isa pang handgun.

Nangyari ang pamamaril sa Star Ballroom Dance Studio kung saan, mayorya ng mga dumalo ay mga Asians at Asian-Americans.

Hindi pa naman tukoy ng LAPD ang motibo sa pamamaril.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *