Suspek sa pamamaril sa eskwelahan sa Balabac Palawan, nahuli na- PNP

Nahuli na ang suspek sa pamamaril sa kasagsagan ng intramural meet sa barangay Salang sa Balabac, Palawan, ayon sa Palawan PPO.

Ngayong martes ay nakumpirma ng Brigada sa Provincial Police Office na kulong na ang suspek na si Ersan Ami 35 anyos na residente rin sa Barangay Salang.

Nahuli ang suspek sa masigasig na manhunt operation ng Balabac PNP kaya ngayon ay nananatili ito sa kanilang kustodiya.

Gayunpaman, hindi na idinetalye sa ulat kung paano ito nadakip ng pulisya at kung ano ang kanyang motibo sa walang habas na pagpapaputok ng baril.

Matatandaan na nitong nakalipas na Sabado ng hapon, ika-18 ng Pebrero 2023 ay nasugatan sa pamamaril ni Ersan ang 21 anyos na babae na si Arnelen Onos Astami na noo’y nanonood ng intramural meet sa Dumaga Elementary School.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *