Suspek sa pamamaril sa bayan ng Pilar, arestado na

Arestado ng mga tauhan ng Pilar Municipal Police Station ang suspek sa pamamaril sa bayan ng Pilar, Sorsogon sa isinagawang hot pursuit operations.

Sa pahayag sa Brigada News ng hepe ng Pilar PNP na si PMaj Mark Anthony Ferwelo, nahuli nila ang suspek dakong alas 7:30 ng umaga kahapon sa Brgy Mayon, Daraga, Albay.

Kinilala ito na si Henry Burce Mancera, security guard at naninirahan sa Brgy Salvacion, Castilla, Sorsogon habang ang biktima ay nakilalang si Joel Furtonato Morante, 38-anyos, salesman ng Phoenix Gas at temporaryong naninirahan sa Phoenix gas ng parehong barangay.

Nangyari ang pamamaril, gabi noong Linggo, Pebrero 19 sa harapan ng Bicolandia Petroleum Corp Phoenix LPG Cpd sa nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinugod umano ng biktima, na lango sa alak, ang suspek habang nakaduty ito sa nasabing compound at nagkaroon ng mainit na pagtatalo dahilan upang barilin ng suspek ang biktima.

‘Dead on the sdpot ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib. Agad naman tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang isang caliber 9mm na may serial number at kargado ng 4 na bala.

Nahaharap na ngayon si Mancera sa kasong homicide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *